like that creepy radiohead video
dangge will have to write: |
I will not lie on the ground and tell people they don't want to know why I'm lying there |
'What will you have to write on the chalk board?' at QuizGalaxy.com |
disentangling my biological wiring short-circuits
dangge will have to write: |
I will not lie on the ground and tell people they don't want to know why I'm lying there |
'What will you have to write on the chalk board?' at QuizGalaxy.com |
PAUNANG BABALA: ang mga walang kalatuy-latoy na rasong inyong mababasa ay nanggaling sa isang singkwenta anyos na administrador ng isang mataas na paaralang bokasyunal nang siya ay mapagtulungan ng kanyang dalawang anak at nakatatandang kapatid na babae.
naknamputcha. late na naman ako. 6 minutes. nasakay nga 'ko agad ng fx, nuknukan naman ng bagal. panu ba naman, imbes na "gold" ay "diesel" ang naikarga nung nag-o-OJT pa lang na gasoline boy sa may tikay. kaya ayun, usad-pagong kame sa nlex. mauunahan pa ata kame ng bisikletang pambata na may dalawang gulong sa gilid at kulay pink. if that wasn't enough, meron pa 'kong nakasakay na "nag queen". ale, nakarating ka ng munoz nang hindi lumilipat ng taxi, anu pa ba gusto mo? buti na lang at kewl si kuya drayber. kung ako 'yun, isasampal ko sa kanya 'yung binayad nya saka ko sya ibababa sa gitna ng expressway. ka-poot.
I Do Not Love You Except Because I Love You
*batay sa na-research ko, dalawa lang ang coastline na mahilab sa pagudpud, at dahil sa saud beach kami maninirahan, 45-minutes lang daw papunta sa kasushalang ito.
2.) Marcos Museum & Mausoleum / Malacanang of the North
* dapat ay pupunta kami rito pagkaraan ng CHED presscon dahil sa isang oras lang daw ito mula sa vigan. pero dahil sa walang anda ang mga kasamahan nameng taga-centro, naunsyami ang pangarap nameng jackpot. gusto ko pa namang makita ang epekto ng formalin sa tao, imbes na sa gulay.
3.) Fort Ilocandia
* dito naglalagi ang mga taong may pang-lustay ng salapi (dahil ayon sa kasaysayan ay ipinagawa lang ito for the sole purpose of being a wedding reception for former president marcos's daughter irene). 'yun lang ang masasabi ko. mahawahan man lang ako ng finesse. wow.
4.) Calle Crisologo
* nakalakad na ako't nakapag-kalesa sa daang ito. ito rin ang nagsilbing backdrop ng infamous na litrato namen ni dylan na mukhang mag-syota. at least, duon man lang ay napagbigyan nya ko, kahit nasusuka sha sa tuwing sasabihin kong, "lahian mo ko".
5.) Patapat Viaduct
* binansagang "french riviera of the philippines". sarap sigurong mag-stroll dito 'pag bukang-liwayway.
* una kong nakita 'to sa mtv habang nakasakay sa dune buggy si sarah meier. pero mas nanabik akong makarating dito nang nag-location shoot si panday. sheesh.
* highly-recommended na puntahan habang nasa pagudpud, sabi ng head teacher ko. para lang mga higanteng electric fan na itinayo ng aliens. pwede kayang mag-uwi ng isa pabalik ng bulacan? panlaban sa mga "mahahangin". LAKAS!
8.) Paoay Church
* isa sa pinakamabibigat na rason kung bakit ako na-hook sa photography. poot na poot pa 'ko sa sarili ko nun kung bakit hindi ako sumama kay hupao nang nag-shift sha sa fine arts. oh well. dapat na siguro akong mag-enroll sa intramuros. now na.
* 30-minute hiking trek daw. dito ko na maisasakatuparan ang frustration kong maging mountain climber. nyahaha.
10.) Cape Bojeador Lighthouse
* kilala rin sa katawagang "burgos lighthouse". tulad ng kahit na sinong true-blue wednesday clubber, iisa lang talaga ang pakay ko kung bakit gusto kong matuloy ang trip na 'to: piksur.
4'11'' ata ang height mo kaya lagi kang naka-heels. petite. maputi. kuntodo blush-on at mascara. graduate ng uste. naka-braces ka pa ngayon. ikaw 'yung tipo ng taong nagtu-two-piece bathing suit 'pag nagbi-beach. mahilig ka sa rnb. flirty. wala kang takot magpa-piksur sa P900 mo: marunong kang mag-"angle" management at pinapa-print mo pa nga ang mga ito into wallet-size pieces. lagi mong tambayan ang mga coffee shop na sushal & bar sa timog o morato. sa sobrang lambing mo, para ka nang pusa. wala kang sentence na hindi taglish. pangalang pang-GULAY pa ang first name mo. kung si barbie e nagka-boses, tiyak na ikaw 'yun.
nalilito akong naiinis. pero may ngiti. siguro natatawa lang ako sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko ngayon. para siyang isang scene sa just for laughs, 'tapos ako 'yung pina-prank.