B.F.F.
nalilito akong naiinis. pero may ngiti. siguro natatawa lang ako sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko ngayon. para siyang isang scene sa just for laughs, 'tapos ako 'yung pina-prank.
***
malapit na 'kong ma-suspend sa trabaho. ewan ko kung matutuwa ako dahil off time din yun, o malulungkot dahil baka mag-lead 'yun sa pagkaka-sisante ko. either way, ayus lang sa 'kin dahil aminado naman ako. tinamad ako these past couple of weeks, 'tapos andami pang nangyari sa bahay. meron akong hinahanap pero 'di ko alam kung anu 'yun. paulit-ulit na pumapailanlang sa isip ko 'yung mga katagang, "is this it?" inabutan na siguro ako ng pagod at pagkasuya, o sadyang nababagalan na 'ko sa takbo ng araw-araw ko. kinakailangan ko na atang gawing mantra 'yung "it's all in the mind.." sa mga susunod na araw. gusto ko namang maka-isang taon sa trabaho 'no.
***
tinext kita noong january 13. linggo 'yun.
sariwa pa sa alaala ko dahil uminom kame ng bestfriend ko nung elementary (with her bf na hawig ni menks) sa starmart noong araw na 'yun, matapos ang hindi namen pagkikita ng halos labing-apat na taon. kinunsinti pa ko ng ka-trabaho ko at pinahiram ng sim kina-martesan para makatipid sa pagtetext sa 'yo. (reminiscent na naman ito ng 24/7 days ko with win. shux.)
the usual ang content ng text messages naten: jokes at kabastusan. walang seryoso, puro utot. 'di ko nga malaman sa sarili ko kung bakit naiinis ako sa 'yo minsan 'pag alas-otso pa lang at hindi ka na nag-rereply. matagal rin kitang kinulit bago ka pumayag na makipag-meet. ewan ko ba kung manyakis ang tingin mo sa 'kin. mag-iisang buwan na rin noon, february 10. sinabi ko sa 'yong may kutob akong 'di na mauulit ang ganoong pagkikita, pero pinabulaanan iyon ng text mo pagkauwi.
ngayon ay march 2. nitong nakaraang linggo lang ay dalawang beses tayo nagkita, parehong sa inuman. noong thursday ay dinayo ka namin ni siman sa bahay. i felt the need to go, after what transpired last tuesday. nag-joke pa nga ako na bakit seryoso ang pag-uusap naten nowadays. inisip ko na wala ka lang talagang mapag-openan ng saloobin mo, kaya bumagsak ka sa 'kin, kahit 'di naman tayo closeness.
at kahapon nga ay nakasama ka ng wednesday club sa pag-inom kina mang boy at sa starmart. unang beses kitang nakatabi sa upuan. nung umpisa nga sinabi mong nahihiya ka. pero biglang nawala 'yun nung nasimot naten 'yung generoso. paminsan-minsan ay pa-simple akong nakakahawak sa likod, hita, at braso mo (chances!). dumantay pa nga ako sa balikat mo nung medyo nawawala na 'ko sa ulirat dahil sa kalasingan.
may pinakita ka sa 'king picture ng babae, sabay sabing, "ito mapapangasawa ko." may pinabasa ka ding text message ng isa pang babaeng nagpapaalam (magkaibang gurlalu ito) dahil ayaw daw n'yang magpaka-tanga sa pagmamahal sa 'yo. umabot pa sa puntong 'di ako maka-focus sa pag-uusap naten dahil lasing na ko't pinagtatawanan nina blushes at dylan sa gedli. nag-mimic akong umiiyak (complete with a hanky & tears), with "bestfriend ng taon" mode. muntik pa kitang mahalikan pero buti na lang at hindi.
natawa na lang ako sa sarili ko dahil kung anu 'yung pilit kong nilayasang estado dati ay ganun na naman palang scenario ang kasasadlakan ko. pero 'di ko maiwasang maramdaman na iba ngayon. masasabi kong ayus lang 'yung usapan at kulitan portion kasama ka, dahil aware ako at tanggap kong walang patutunguhang mas mataas pa sa kung anu 'yung meron tayo ngayon. ayokong i-analyze dahil wala namang dapat i-analyze. basta ba walang mangyayari sa 'ting hanky-panky. ayoko.
kaya lang natatakot ako sa susunod na mga mangyayari. nabibilisan ako. posible nga kayang makapag-open up ang isang tao ng ganun kabilis? bwisit. 'di na lang muna ako maglo-load ng 3 araw. kailangan kong mag-menor. uncomplicate.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home