twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Friday, March 7, 2008

ang "beggar beggar" ko na..

4'11'' ata ang height mo kaya lagi kang naka-heels. petite. maputi. kuntodo blush-on at mascara. graduate ng uste. naka-braces ka pa ngayon. ikaw 'yung tipo ng taong nagtu-two-piece bathing suit 'pag nagbi-beach. mahilig ka sa rnb. flirty. wala kang takot magpa-piksur sa P900 mo: marunong kang mag-"angle" management at pinapa-print mo pa nga ang mga ito into wallet-size pieces. lagi mong tambayan ang mga coffee shop na sushal & bar sa timog o morato. sa sobrang lambing mo, para ka nang pusa. wala kang sentence na hindi taglish. pangalang pang-GULAY pa ang first name mo. kung si barbie e nagka-boses, tiyak na ikaw 'yun.

kung tutuusin, sa una pa lang dapat e nuno na ang pagkainis ko sa 'yo. ikaw ang epitome ng lahat ng kinamumuhian ko. pero nagulat din ako sa sarili ko dahil ikinatuwa ko pa ang nakalista sa taas. siguro dahil wala pa 'kong nakilalang swak-na-swak sa molde mo. para ka kasing si elle woods na bigla na lang tumalon mula sa pinilakang tabing. naaaliw pa nga 'ko sa tuwing pupunta ka sa room namin para mamburaot ng pagkain dahil sa kapiraso't pang-ibon lang ang baon mo (dahil nga bago ang iyong braces), sabay sabing, "ang beggar beggar ko na.."

ngunit. datapwat. subalit. pero.

ipinakita mo ang totoo mong kulay. tayong dalawa pa naman ang punong-abala sa magiging holy week getaway naten sa pagudpud. magkatulong pa tayo sa pag-contact sa bahay na tutuluyan naten, sa pag-kumpirma ng tiket sa florida bus, pati na rin sa pangungulit sa mga taong sasama. ikaw pa nga ang naglista ng mga grocery na bibilin naten gamit ang credit card ni lovely (na babayaran pa naten sa april). pero kinahapunan lang ay nag-iba ang ihip ng hangin. biniro ko lang si karol at alvin na kung magsasama rin lang sila ng ibang tao, 'wag na silang sumama. palagi na kitang inaalaska tungkol dun, dahil nga sa ikaw ay magsasama rin ng "friend", at binabalikan mo rin naman ng mga patutsada ang mga hirit ko. pero sa pagkakataong iyon ay bigla mo na lang ibinulalas na "hindi na 'ko sasama." tinanong kita kung bakit, pero ang sabi mo lang ay "just." (koreano ka na ba ngayon?!) natapos ang araw nang hindi nagbabago ang press release mo. na-guilty ako dahil alam kong may mga taong hindi sanay sa linya ng komedya ko, at isa ka na siguro sa mga 'yun. ngunit nagpanting na lang ang tenga ko nang kinausap ka ni karol at binitawan mo ang mga katagang, "i don't care whatever name you want to call me, basta hindi na 'ko sasama. pupunta ako dun mag-isa." OKAY. GOT IT. kung ayaw mong may nagjo-joke sa 'yo ng ganun, gayahin mo na lang si dong abay at magkulong ka sa kwarto mo ng limang taon. pasensya pero hindi ako magso-sorry sa 'yo, at lalung hindi ako 'yung taong aamuin ka. hindi ako nangungunsinti ng mga spolied brat. spare me.

bakit ba kasi gusto kong maka-experience ng IBA sa nakagawian ko na? ayan tuloy, napapahamak ako.

at sa 'yo, mag-enjoy ka sana kasama ang sarili mo sa pagudpud. 'wag ka sanang malunod. tutal naman alam mo na 'yung number nung homestay at ng florida bus, madali nang mag-plano ng "solitary getaway" mo. send me a postcard, will you?

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

mare, ngayon ko lang nahimay-himay ito.

hay naku, maraming ganyan dito sa ortigas. kung gusto mo ng fiesta, here ka na. bukod sa mga elle woods, may mga kingkong barbies on the side pa.

Thursday, March 20, 2008 1:21:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

"kingkong barbies"? parang nakakatakot ata yung ganun. hehe. anyway, update ke "elle woods": me nakasama din pala sha sa pagudpud, at sa iisang bus kame nakasakay pare-pareho. yung ex nya na sha ring nag-decline sa imbitasyong yun the first time. how pathetic.

Sunday, March 23, 2008 2:22:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

ooh.. baka naman it was the original plan: to linger with her past and wrap herself into his finger. heweys, i don't give nary a care. hayaan mo na lang siya. :)

kuwento naman about pagudpud when you get back. :)

Sunday, March 23, 2008 10:09:00 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home