twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Friday, June 13, 2008

"GAGALING!"

*dahil sa bigla na lang pumaibabaw at naging parte ng aming diksyunaryo ang "birhen de la buenviaje" at "torreng garing", naisipan kong hanapin ang buong teksto. kaya mga badette, heto't magpaka-lunod na tayo sa mga pwede nating gawing alyas sa mga ka-berks. hehe. ENJOY!


Litanya sa Mahal na Birheng Maria

Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan, maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin.
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, maawa ka sa amin.
Santa Maria, maawa ka sa amin.

V.
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karunungan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtiman,
Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Hari ng mga anghel,
Hari ng mga patriarka,
Hari ng mga propeta,
Hari ng mga apostol,
Hari ng mga martir,
Hari ng mga confesor,
Hari ng mga Birhen,
Hari ng lahat ng mga santo,
Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Haring iniakyat sa langit,
Hari ng kasantu-santosang Rosaryo,
Hari ng kapayapaan.
R.
Ipanalangin mo kami.

V. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
L. Patawarin mo po kami, Panginoon.
V. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
L. Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
V. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
L. Maawa ka sa amin.
V. Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
R. Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home