twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Wednesday, February 4, 2009

maki-liko po sa kanto..



nang mautusan ako ng aking inay upang lumuwas at dayuhin ang Salazar Bakery sa SM North Edsa (dahil dun lang sila may malapit na branch) upang bumili ng halos labinlimang pack ng hopiang munggo na gagawing pam-pasalubong sa mga kasamahan pagbalik ng Canada ay naisipan kong dalhin si Pixie at mag-photoshoot sa kahabaan ng Quezon City. kahit na mas transportation-of-choice ko ang bus dahil mas mabilis ito at hindi ako nagiging sardinas sa sobrang sikip ay wala akong nagawa kundi mag-fx, dahil di ko rin naman ideya ang mag-super walkathon kung ibababa ako sa Muñoz o sa Quezon Ave.

matapos bagtasin ang mukhang-hindi-na-mauubos-na-trapik sa Balintawak ay pumara ako sa tapat ng isang nursing school na may katabing alive-alive center. naisipan kong tumambay sumandali at ipasyal ang aking panganay sa gitna ng pink na overpass sa may Paramount. at habang nagpapalinga-linga sa paglalakad ay nakita ko ang sign na ito. kahit na kabado at may tamang hinala sa mga dumadaan na baka sa isang pagkurap lang ng mata ay may humablot ng aking nyelpon ay kinodakan ko ito ng buong gilas at tapang.

pagkaraan ay ngingisi-ngisi akong nagpatuloy sa pagrampa. naisip ko, kung magiging totoo man na ang EDSA ay isang liko lamang sa bulacan e andaming paniguradong mapapa-jump-for-joy dito. marami ang makaka-ilang "5 minutes pa..", makaka-una sa pagpila sa MRT kung ika'y pang-umaga, mananawa ang mga "sushalero't sushalera" dahil sa magiging tambayan nila ang Trinoma at SM, makakatipid ng malaki sa pamasahe, hindi makakaltasan at mame-memo-han dahil sa dami ng late, maaabutan at masusubaybayan ang paboritong teleserye, mababawasan ang mga bakit-di-mo-ko-ginising na away habang nag-aalmusal, at higit sa lahat ay hindi mase-stress out sa pagluwas-luwas ng Maynila.

pero syempre, pwera na lang kung ito ay isang episode sa "Wish Ko Lang!" o sa "Pangarap Kong Jackpot", o mala-himalang mawawala sa mapa ang Valenzuela at ang ipapalit dito ay Malolos, mag-novena na lang muna tayong matapos na ang LRT Line 1 o maumpisahan na ang nag-uumapaw sa red tape na Philippine National Railways.

sabi ko nga, bibili na 'ko ng hopia.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home