twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Thursday, March 13, 2008

thursday the 13th

naknamputcha. late na naman ako. 6 minutes. nasakay nga 'ko agad ng fx, nuknukan naman ng bagal. panu ba naman, imbes na "gold" ay "diesel" ang naikarga nung nag-o-OJT pa lang na gasoline boy sa may tikay. kaya ayun, usad-pagong kame sa nlex. mauunahan pa ata kame ng bisikletang pambata na may dalawang gulong sa gilid at kulay pink. if that wasn't enough, meron pa 'kong nakasakay na "nag queen". ale, nakarating ka ng munoz nang hindi lumilipat ng taxi, anu pa ba gusto mo? buti na lang at kewl si kuya drayber. kung ako 'yun, isasampal ko sa kanya 'yung binayad nya saka ko sya ibababa sa gitna ng expressway. ka-poot.

+++

"KLEPTOMANIA (Greek: κλέπτειν, kleptein, "to steal", μανία, "mania") is an inability or great difficulty in resisting impulses of stealing.

People with this disorder are compelled to steal things, generally things of little or no value, such as pens, paper clips, tape, small toys, or packets of sugar. Some may not be aware that they have committed the theft. Majority of kleptomaniacs have preferences to certain items (again, usually subconsciously); for example, batteries or TV remotes.

Kleptomania is distinguished from shoplifting or ordinary theft, as shoplifters and thieves generally steal for monetary value or associated gains, and usually display intent or premeditation, while people with kleptomania are not necessarily contemplating the value of the items they steal or even the theft until they are compelled.

This disorder usually begins during puberty and usually last until late adulthood. In some cases, the disorder may never stop, and lasts throughout the person's life. People with this disorder are likely to have a co-morbid condition, specifically a paranoid, schizoid, or borderline personality disorder. Kleptomania can occur after traumatic brain injury and carbon monoxide poisoning.

Kleptomania is usually thought of as part of the obsessive-compulsive disorder spectrum, although emerging evidence suggests that it may be more similar to addictive and mood disorders. In particular, this disorder is frequently co-morbid with substance use disorders, and it is common for individuals with kleptomania to have first-degree relatives who suffer from a substance use disorder."

- from Wikipedia


medyo humuhupa na sa ulirat kong nawala ang pinakamamahal kong yellow na rotring mechanical pencil. to think na sya ang partner-in-crime ng organizer ko sa pagtala ng lahat ng ka-echosan ko sa pang-araw-araw kong buhay. iniwan ko lang sya sa kwarto ko, pero pagkabalik namen ng estudyante ko galing sa pagbili ng fudams e bigla na lang itong nag-poof! the magic dragon kahapon. ngunit kanina, habang naghihintay sa lobby ng 911 junior ay bigla ko na lang naibulalas na missing-in-action ang hi-tech kong lapis. hinitak ako papalapit ni teacher diday, sabay-sabing, "tingnan mo dun sa estudyante ni karol. kakukuwento lang saken ni ram kanina na 'yung mechanical pencil nyang galing japan e kinuha din ng batang 'yun." 'di ako tinuruan ng mama kong magbintang, pero sumimple na rin ako ng pagsilip sa kwarto nila. and to my dismay & surprise, ayun nga ang lapis ko, at gamit-gamit pa ng gago! nanginig ang katawan ko sa inis. gusto ko nang kaladkarin 'yung estudyante palabas ng kalayaan plaza, habang hablot-hablot ang naka-mullet nyang buhok (joe dirt, ikaw 'yan!), pero buti na lang at 'di ko nakalimutang teacher pala ako at hindi tambay sa kanto. in-excuse ko si karol at sinabi ang buong kaganapan. sya man ay 'di makapaniwala. pagkabalik ng kwarto ay tinanong nya ito, pero ang nakuha nya lang na sagot ay, "i bought it in korea. look, it's really old." ang "old" na sinasabi nito e 'yung halos burado nang red band na nakapalibot malapit sa tip, na sya ring palatandaan ko na akin talaga 'yun (dahil kinukutkot ko 'yun dati 'pag wala akong magawa). kumunsulta kami pagkatapos kay miss christine, clueless din ang lola mo sa kung anu ang dapat gawin. nang sya mismo ang nagtanong sa estudyante e parehong press release ang narinig nya mula rito. pero sinabihan nya 'kong ako na lang ang kumausap dahil ako naman daw ang involved, at kung sya daw ang gagawa nito ay magmumukha syang nang-a-accuse. suma tutal, naibalik ito saken (ewan ko ba pero nagpanting ang mga tenga ko nang makita kong sinasaksakan ng gunting ang tip ni rotring). nang pumanik ako sa 3rd floor para sa susunod kong klase, alam na ng halos lahat sa faculty ang nangyaring "sharon cuneta-cherie gil" pivotal scene. kinausap ako ni sir rob. sinabi nya na dapat daw ay hindi ako ang nag-confront, na dapat daw ay sa kanya na lang pinakausap 'yung bata, dahil baka daw mabaligtad ako. pero nung sinabi kong may permiso naman ni miss christine e ayus na din daw pala kung ganun. inisip ko tuloy kung naging harsh ako sa pagkausap dun sa estudyante, tinanong ko pa nga si lorie kung sumisigaw ba 'ko. pero 'di bale. kung masisisante ako dahil dun, keri lang. panahon na para ipamukha sa mga pesteng yano na yan na di porket binabayaran nila kame e pwede na nila kameng paglaruan. wala akong pakialam dun sa lapis. anu ba naman 'yung bumili ulit ako ng panibago? concerned lang ako na tiyak na magpapatuloy 'yung ganung ugali hanggang sa pagtanda nya, at ayokong mangyari sa ibang teacher at estudyante ang kinasapitan ko. and if worse comes to worse, i'll go down in history as the first employee to be terminated because of a pastel-colored mechanical pencil. FAME, here i come!

+++

inaya ko si ted uminom sa starmart dahil sa stress kay joe dirt. nagpapalit-palit pa 'ko ng sim at naghintay ng halos isang oras, pero sawing isaw. "di ako makaporma dito e.." ang sambit nya. hay nako. buti na lang at pinapansin ako ng isang gelay sa kabilang table dahil sa may yosi sya pero walang panindi. limang beses din yun.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home