twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Friday, January 30, 2009

MAMMA MIA!



lulan ng cathay pacific flight CX900 from manila to hongkong to toronto ang aking inang nagmamaktol pa habang bumababa sa van nang hinatid namin kanina. hindi ko gustong malayo ulit sa kanya dahil sa mga rasong 'di na kailangang i-validate. ngunit gusto ko rin namang matuloy ang kanyang pag-alis at maranasang makapagtrabahong muli, dahil alam kong "kailangan" nya iyong gawin: 'di lang para sa 'ming pamilya, mas pa sa sarili nyang ikauunlad.


akala ko'y wala nang crylalu blues na magaganap, ngunit sadya sigurong 'di maiiwasan iyon. tinadtad nya ko ng mga bilin at pangaral (na paraan nya ng "paglalambing"), at kahit na walang habas ako sa pagyakap ay pilit nya kong inilalayo sabay-sabing "gumaganyan ka na naman.." ngunit nang makita na ang mga nakalinyang bandila sa harap ng departure area ay sumimple na ang mama ko ng paghikbi sa gedli. maging ang mga luha ko'y nangilid, pero imbes na ipahalata ito'y nag-dyowkstaym na lang kaming magpa-pamilya at nag-almusal sa jabee.

kung meron mang mas sasaya pa sa dalawang buwan na inilagi nya dito ay ang "anticipation" na magkakasama kaming muli, dito man sa 'pinas o dun na sa canada. ngayon pa nga lang ay inaasam-asam na nitong makuha ang kanyang tax refund upang makapag-book ulit ng flight pauwi sa disyembre. tamis.


xs. ginawa kong punda ng aking unan ang pang-itaas na ginamit nya kinagabihan. wala pa 'kong balak labhan iyon.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home