twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Sunday, March 9, 2008

i'm a globe trekker.

tumutulo ang laway ko sa tuwing nanunuod ako ng discovery travel & living. si samantha brown, pagkatapos patagin ang europa, ay heto't may "passport to latin america" na. habang nakikipag-rubbing elbows naman si kevin brauch sa mga iron chef ay hawak pa rin nya ang korona ng "the thirsty traveler". at wala na sigurong tatalo kay anthony bourdain (ewan ko ba kung bakit sa tuwing makikita ko sha e si pepe smith ang naaalala ko), na lumalafang na nga e nang-oolay pa, ngayo'y pangatlong season na ng kanyang "no reservations". dati nung bata pa 'ko, pagiging marine biologist ang minimithi kong pangarap. ngayon, hinahamon sha ng nagmama-G lang na travel & leisure host. teka, pedi ko namang pagsabayin yun ah. habang sinusuri ko ang isang specie ng isda ay pedi kong ipaluto ito pagkatapos at saka ipareha sa beer o wine. nice.
---
dahil sa nauulol pa rin ako sa grandiyosong plano ko ngayong 2008 na makalibot sa buong pilipinas at agawin ang trono ni regine velasquez sa pagiging magic sing beauty, gumawa ako ng listahan ng mga lugar na DAPAT kong puntahan habang ako ay nasa ilocos sa mahal na araw. i'm keeping my fingers crossed.
---
1.) Blue Lagoon or Maira-ira

*batay sa na-research ko, dalawa lang ang coastline na mahilab sa pagudpud, at dahil sa saud beach kami maninirahan, 45-minutes lang daw papunta sa kasushalang ito.

2.) Marcos Museum & Mausoleum / Malacanang of the North

* dapat ay pupunta kami rito pagkaraan ng CHED presscon dahil sa isang oras lang daw ito mula sa vigan. pero dahil sa walang anda ang mga kasamahan nameng taga-centro, naunsyami ang pangarap nameng jackpot. gusto ko pa namang makita ang epekto ng formalin sa tao, imbes na sa gulay.

3.) Fort Ilocandia

* dito naglalagi ang mga taong may pang-lustay ng salapi (dahil ayon sa kasaysayan ay ipinagawa lang ito for the sole purpose of being a wedding reception for former president marcos's daughter irene). 'yun lang ang masasabi ko. mahawahan man lang ako ng finesse. wow.

4.) Calle Crisologo

* nakalakad na ako't nakapag-kalesa sa daang ito. ito rin ang nagsilbing backdrop ng infamous na litrato namen ni dylan na mukhang mag-syota. at least, duon man lang ay napagbigyan nya ko, kahit nasusuka sha sa tuwing sasabihin kong, "lahian mo ko".

5.) Patapat Viaduct

* binansagang "french riviera of the philippines". sarap sigurong mag-stroll dito 'pag bukang-liwayway.

6.) Sand Dunes of Suba

* una kong nakita 'to sa mtv habang nakasakay sa dune buggy si sarah meier. pero mas nanabik akong makarating dito nang nag-location shoot si panday. sheesh.

7.) Bangui Windmills

* highly-recommended na puntahan habang nasa pagudpud, sabi ng head teacher ko. para lang mga higanteng electric fan na itinayo ng aliens. pwede kayang mag-uwi ng isa pabalik ng bulacan? panlaban sa mga "mahahangin". LAKAS!

8.) Paoay Church

* isa sa pinakamabibigat na rason kung bakit ako na-hook sa photography. poot na poot pa 'ko sa sarili ko nun kung bakit hindi ako sumama kay hupao nang nag-shift sha sa fine arts. oh well. dapat na siguro akong mag-enroll sa intramuros. now na.

9.) Kabigan Falls

* 30-minute hiking trek daw. dito ko na maisasakatuparan ang frustration kong maging mountain climber. nyahaha.

10.) Cape Bojeador Lighthouse

* kilala rin sa katawagang "burgos lighthouse". tulad ng kahit na sinong true-blue wednesday clubber, iisa lang talaga ang pakay ko kung bakit gusto kong matuloy ang trip na 'to: piksur.

---
xs.
sana sa susunod kong entry ay mapalitan ko na itong mga nakaw na larawan ng sariling akin. gudlak.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home