nagmumurang-kamatis
PAUNANG BABALA: ang mga walang kalatuy-latoy na rasong inyong mababasa ay nanggaling sa isang singkwenta anyos na administrador ng isang mataas na paaralang bokasyunal nang siya ay mapagtulungan ng kanyang dalawang anak at nakatatandang kapatid na babae.
"di naman ako babae para sermunan.."
~ oo nga, andun na tayo. tanga ba? pero di ka naman din BINATA para magkaroon ng dalawang nyelpon dahil sa dalawa ang sim mo (kahit na nakalinya ka sa smart), at mag-sleepover sa bahay ng kung sinung pontio pilato at umuwi kung kelan mo lang maisipan.
"lalaki ka rin. dapat maintindihan mo."
~ maintindihan ang alin? na mayroon ka ring pangangailangan, kahit na yung asawa mo e nakikipagsapalaran sa canada at tinitiis na malayo sa kanyang pamilya para lang masiguro ang kinabukasan ng mga ito? kaya ka may kamay (dalawa pa nga yan) at kaya itinayo ang mga patay-sindi para sa mga ganyang sitwasyon.
"pag kayo ang nagkakamali, pinalalampas ko naman ah.."
~ naku salamat naman kung ganon. we are greatly indebted to your endless compassion & mercy. ikumpara daw ba ang di pag-uurong ng mga pinag-kainan at pakikipag-inuman ng magdamagan sa pangangaliwa?! mag-kape ka ha. yung walang tubig.
*sa 'yo: nakakainsulto lang na parang "tanga" ang turing mo sa 'min; na patuloy ka pa rin sa mga hanky-panky mo na para bang di namin malalaman kalaunan. FYI, matagal ko nang alam. di ako pinanganak kahapon para di makaramdam. laking CSI ata to. pinanuod lang kita; inantabayanan ko lang ang mga kilos mo sa pagbabaka-sakaling tubuan ka ng kunsensya at tigilan si "ilong". pero hindi. ngayong umabot na sa kamalayan ni ruth ang mga nangyayari, isa lang ang masasabi ko sayo: GUDLAK. para kang nagtampo sa bigas.
1 Comments:
mare, ok ka lang ba? gusto mo ng hug kahit baduy?
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home