..para bang meron kang karay-karay na buntong-hiningang 'di matuluy-tuloy..
malungkot ako. kahit man lang dito e masabi ko 'yung totoo. 'di naman kasi ako 'yung tao na kusang nag-oopen ng mga saloobin ko sa iba. nasubukan ko na sha dati pero nadala na 'ko, wala naman kasing nakikinig, sinasabi nilang naiintindihan nila pero hindi. at saka 'pag nakarinig pa 'ko uli ng "everything's gonna be alright", magsasaksak na 'ko. (or better yet, 'yung nagsabi na lang nun ang babaunan ko ng ice pick sa lalamunan, at habang nagdidilim na ang paningin n'ya dahil sa internal hemorrhage, saka ko sasabihin 'yung bullshit na sinabi n'ya para maramdaman n'ya 'yun first-hand. bwahaha.) ayoko din namang ma-spotlight dahil kung tutuusin, 'di hamak na alikabok lang ang problema ko kung ikukumpara sa ga-bundok na pasakit na dala-dala ng milyun-milyong Pilipinong hanggang ngayon ay nagpapalabuy-laboy sa kawalang-katiyakan at patuloy na binubusog ang sarili sa mga mumo ng nagdaang eleksyon. kaya madalas, sariling sikap: hangga't maitatago, itago. expert na nga ata ako sa ganun, professional con artist kumbaga. ginawa ko nang backpack 'yung responsibilidad na maging (at manatiling) matatag, dahil maraming nakasandig sa 'kin. 'di ko peding isangkalan ang buhay ng iba para sa ilang minutong pag-atake ng self-pity. "i should always be my perky self." pero habang tumatagal, parang 'di ko na kayang daanin na lang sa kembot ('di rin. -blushes). napapansin ko ngayon na mentras itinatago ko 'yung sakit, 'yung lungkot, unti-unti akong nadudurog; na habang inaangat ko 'yung iba e ako naman 'yung naiiwan. pero ang mas magara, ayus na 'ko sa ganun. naramdaman mo na ba 'yung parang sumisid ka sa ilalim ng dagat 'tapos habang pabalik ka na sa ibabaw e naubusan ka na ng hangin, kahit wala ka pa sa kalahati? nagsisimula ka nang mag-panic, at kahit na alam mong ang pagsikad lang ng mabilis paitaas ang pinaka-rasyunal na gawin, 'di mo pa din magawa dahil ang una pang pumasok sa isip mo e 'yung hayaan na lang na sumaktong 100% ang water content ng katawan mo at maging pagkain ng mga isda? madalas ko 'yung nararamdaman ngayon, mula sa panunuod ng tv hanggang sa simpleng pagtulala lang. minsan nga ayoko nang naiiwang mag-isa dahil natatakot na 'ko sa sarili ko, at sa kung anu 'yung kaya kong gawin oras na panawan ako ng bait. gumawa na din ako ng journal: nakalagay dun lahat ng naiisip at nararamdaman ko sa sarili ko, sa ibang tao, at sa mga bagay-bagay, @ specific times of the day. sabi ni ursula (ang aking imaginary friend na me imaginary friend din) na ang paghihimay-himay ng mga isyu e makakatulong upang masolusyunan ko ang mga iyon. pero sa esensya, pinadadali ko lang ang buhay ng mga taong nakapaligid sa 'kin sakali mang dumating 'yung araw na kailangan na 'kong i-admit sa mandaluyong. 'yun na. hindi ito isang fairytale na me "and they lived happily ever after" sa ending. ayoko. dahil 'di laging ganun. kaya gustuhin ko mang gawan ng paraan, 'di ko lam kung panu, at parang pagod na 'ko. nabanggit ko lang.