twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Tuesday, September 6, 2005

..you're only rubbing salt on my open wounds, and it'll only take awhile to be alright..

I.
lagi na lang bang ganito? hirap sa pagsisimula ng pagsusulat ng ipo-post? pero 'pag naumpisahan naman ay bumabaha ng mga isiping walang saysay at kaugnayan, na para bang bigla ka na lang na-hypnotize at naglakad ng tulog, at nagsimula kang humugot ng kung anik-anik mula sa kawalan? pati 'yung mga isyung dapat ay baon na sa limot, bigla na lang pumapaibabaw? pero kung tutuusin, 'di lang simpleng usapin ng kung anu ang mainam pag-usapan sa blog. mas pa sa totoong buhay, sa mga ralasyong pilit nating itinatayo, at pinagsusumikapang manatiling buo. nalilito na tuloy ako kung talaga bang sensitive ako sa damdamin at pangangailangan ng iba, o natatakot lang ba akong magsimulang muli, iwanan ang mga bagay na nakasanayan ko na? pero siguro magagawan ko din ng paraan 'yun, tulad ng pagsusulat. heto nga't nagawa kong paglaruan ang ilang pangungusap para makabuo ng isang disenteng post. pero hanggang kelan?

II.
mga ka-berks, nakapasok na nga pala ko kahapon, matapos ang halos isang linggo din na pakikipagbuno sa trangkaso. muntik na ngang panawan ng ulirat ang mama ko sa pag-aakalang baka na-dengue na 'ko, dahil umabot sa 42 ang temp ko. buti na lang hindi, kasi naisip ko na mas paranoid pa mga tao sa 'min sa magagastos sa ospital kung sakaling may dengue nga 'ko, kesa sa totoo kong lagay. napagtibay ang paniniwala kong 'di basta-basta namamatay ang mga masasamang damo, lalu na 'yung laking formalin at dinilig ng ihi. hehe. sabi ng mga bakla, pumayat daw ako. sabi ko, ikaw ba naman 'yung panguyain ng bioflu at cefalexin every 4 hours e tingnan natin kung 'di ka tunawan ng taba. gawin n'yong diyeta 'yung skyflakes at mirinda (pedi na din ang cheers, kung may mahahanap pa kayo), at tiyak na tatalunin n'yo pa sa pagka-buto't balat 'yung nasa video ng bridge, 'yung naka-wheelchair?

nung 'di pa ako nagkakasakit ng todo, lagi kong sinasabi na "sana magkasakit ako ng malala para pumayat na 'ko". mababaw? 'tapos nung nangyari na nga 'yun, todo hiling naman ako sa wish ko lang na sana gumaling na 'ko. hindi naman sa wala akong kakuntentuhan, pero napag-isip ako kung 'yun ba talaga ang gusto ko. naalala ko tuloy 'yung sinabi ni franz kafka, "it's often better to be in chains than to be free". ngayong maayos na ang pakiramdam ko, saan na 'ko papunta? balik na naman ba sa dating mga sakit na naiwan ko? e 'di parang hindi rin pala ako gumaling.

xs.
the title for this post is an excerpt taken from "i don't mind". kudos, mama cynthia.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home