twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Wednesday, April 30, 2008

lost-and-(dumb)found(ed)

rigodon ng text messages kaninang umaga (thru FANATXT):

[ate shawi]: "Nawawala ka hoi? Okay k b?"
[KC]: "Nwawala? Hndi ah. Hehe."
[ate shawi]: "Kalikoterong pag0ng ka! Para kang mushr0om! Hehe!"
[KC]: (sa prengster) "hindi naman ako nawawala mare e. wala lang nakakapansin. naks."


ok na sana, kung 'di lang binanat 'yung huli. pero sa totoo lang, 'di naman talaga ako nasa lost-and-found booth e. nandito lang ako the whole time.


mahigit isang buwan na rin akong 'di pumapasok, mula nung bumalik kami galing ilocos. nung una'y gusto ko nang bumalik at magturong muli, pero nang tinadtad ng mga 'di-matatakasang sitwasyon, tumagal ito nang tumagal hanggang sa nawala na ang "pagka-atat" kong magtrabahong muli. don't get me wrong: gusto ko pa rin namang magtrabaho. pero sa dinami-dami ng abalang ako ang may kagagawan, ewan ko kung "indefinite leave" pa rin ang nakalagay sa sked ko.

sa panahon ng 'di ko pagtatrabaho ay maaabutan mo lang akong naglilinis, nagluluto, nanunuod ng TV, nag-a-update ng friendster+multiply+blogger+flickr, nakikipag-chat sa mama ko, nagyoyosi, kumakain, natutulog ng madaling-araw, at nagsisilbing "bantay" ng mga nakababata kong kapatid. "professional bum" kumbaga. wala pa diyan ang pagiging sastre ko sa pagtatagni-tagni ng mga relasyong pinunit ng "pag-aasal-binata" ng tatay ko.

"transparent" akong tao, mapapatunayan 'yan ng mga malalapit sa 'kin. ako 'yung tipong 'di naman tinatanong pero nagsasabi. siguro, dahil na lang sa napansin kong mas marami pa itong naidulot na masama kaysa mabuti, pinili ko na lang tumahimik. ang ganitong panuntunan ay nagresulta sa mga taong iniidolo ata si oprah o si dr. phil kung magtanong ng "OK KA LANG BA?" kasunod ang "TALK TO ME." at tatapusin ng "DON'T WORRY, EVERYTHING'S GONNA BE ALRIGHT." asus. kung magsipagsalita e parang degree-holder sa helen vela school of motivational speaking. isa pa, kahit kailan ay 'di ko pinangarap na maging D.H. aka DILANG HUMIHIMOD para lang magustuhan ng LAHAT ng tao, that i'd go the extra mile to please them, o mag-litanya ng mga eksplanasyon para lang maintindihan nila ako. suicide ang tawag dun.

kaya malaki ang pasasalamat ko sa "kakarampot-man-ngunit-da-best" na superfriends: silang 'di mapaglilihiman dahil maging isang buntong-hininga man o pagkurap lang ng mata ay nabasa ka na tulad ng isang grocery item na dumaan sa barcode scanner; silang hinahayaan kang mag-monologue nang walang interruptions at walang panghuhusga; at silang yayakapin ka imbes na tadtarin ka sa pangaral (bukod pa diyan ang pag-aya sa 'yong bumangels, na pinaka-astig sa palagay ko).

mabalik tayo. dahil nga sa wala akong trabaho, naka-tengga lang ako sa 'ming balay (ako na nga ang papalit kay martha stewart bilang "domesticated goddess"). ang iba ay busy rin sa kani-kanilang mga ka-chenes-an. kaya nga naimbento ang "weekends", para kumawala sa mga asungot sa trabaho, sa pamilya, sa ka-relasyon (that i look forward to now, more than ever).

kung ako ay "nawawala" dahil sa hindi ako nagte-text o nagre-reply, hindi ko naman talaga nakahiligan ang mga 'yun, pwera na lang 'pag may emergency at kung may load ako (at kung kaibigan talaga kita, sa malamang ay dapat alam mo nang anti-social ako sa forwarded bible/inspirational o love quotes). 'di rin naman ako "detached" na matatawag dahil present pa rin naman ako sa get-togethers natin, sinasagot ko pa rin naman ang emails ko, at super YM ako buong araw. hindi ko lang ideya ng "paglalambing" ang pagtatanong kung "kumain na u?" o "anung gawa u?" puhleez.

sa 'yo: salamat sa paghahanap. ayapreeshiyeytit. napag-isip mo 'ko dun. hinihingi lang ng panahon at pagkakataon na maging "solitary" ako minsan upang maasikaso ng lubos ang mga bagay-bagay. pero 'wag kang mag-alala, 'di naman ako "nawawala" o "mawawala" (unless gustuhin mo). lagi lang akong nasa tabi-tabi, nasa sulok-sulok.

Tuesday, April 8, 2008

welcome to aberdeen - COME AS YOU ARE.


Kurt Donald Cobain
(February 20, 1967 – April 5, 1994)



i spent all day watching a downloaded copy of nirvana's MTV unplugged sessions. my brother & i, up to now, are still in denial as to how an icon like him was found dead sporting a self-inflicted shotgun wound buried in his skull. of course we were aware that he has been struggling with drugs for quite a while, which will eventually lead to his demise, but we were not prepared of it happening abruptly.

i was in fourth grade when i started listening to nirvana. being a 90's child, i was lured to soundgarden, smashing pumpkins, pearl jam, & stone temple pilots, hence, a "grunge" baby. kurt was right beside me as i was treading through the "shark"-infested waters of high school & college, and my love affair with him didn't stop with his death: i then passed it on to my 2 younger brothers. i guess the only way to live through a tragedy like this is to live well (in my case, not really hehe), carrying his memory with my day-to-day existence.

i'm turning 27 this august (just like kurt, when he passed away) at napapaisip tuloy ako sa kung anu ang mangyayari sa 'kin ngayong taon na 'to. wala naman akong banda (frustrated musician ata 'to) at puwera na lang sa paglaklak ko ng banig-banig na alaxan 'pag masakit ang katawan ko, wala din naman akong "addiction" na matatawag. sige na nga, pedi siguro 'yung walang habas na pagyoyosi't pagmumumog ng serbesa't vodka, pero tumitigil naman ako 'pag wala nang anda (hehe). kidding aside, ngayong tumatanda na 'ko, mas dumadami ang takot at tamang-hinala sa sarili at sa mga bagay-bagay. ewan ko ba. ayoko na lang i-analisa masyado't medyo nakakapagod. ibang blog entry na 'yun.

maiba lang, siguro kung buhay pa si kurt ngayon, nangunguna sha sa pagkutya sa mga emong naka-one-side-to-the-left at mga revival beauties. kulit lang.

*salamat, kurt. at tulad nga ng sinabi mo sa kantang jesus don't want me for a sunbeam: "don't expect me to cry for all the reasons you had to die.." ok ok, i hear ya.

Saturday, April 5, 2008

you know when you are home..

*i dug up this picture from my computer's archives. kuha ito nung pumunta kami sa marikina riverbanks para manuod ng PARENTAL GUIDANCE. ito yung mga panahong mga estudyante pa lang kami (hanggang ngayon naman ah hehe) at pare-parehong mga walang anda. naaalala ko din na ito yung taon na halos every week ay may iniislaman tayong gig. ang piksur na ito ay nung nakisilong kami sa isa sa mga food stall habang hinihintay ang inorder nameng goto. pagkatila ng ulan ay sumalang na ang skychurch, balik sa pakikipag-bangasan ng katawan. ang memorya ko nga naman, walang kasing lupit.

maligayang pagbabalik, lola charlz!