twisted|sunday
disentangling my biological wiring short-circuits
aurora
ngayon ay naaalala na naman kita. at hindi ko mapigilang umiyak dahil alam kong malayo ka na. inagaw ka na rin ng responsibilidad tulad ng lahat.hindi na kita pwedeng ayaing mag-ukay at mag-isaw sa bayan 'pag linggo ng hapon't walang magawa. hindi na kita makakasalo sa makailang bote ng beer sa tuwing pugpog na tayong pareho ng "pressure" sa trabaho. hindi ko na pwedeng i-share sa 'yo ang mga bago kong tuklas na libro o musika o palabas sa TV. hindi na tayo pwedeng manood ng sine, pagkaraan ay mag-usap tungkol sa kung anik-anik at umagahin sa parking lot ng megamall. hindi na rin natin mapapatag ang greenhills kakatingin sa mga sapatos na wala naman tayong perang pambili. hindi na rin ako makakatanggap ng mga text na one-liner, joke, o quote, at wala na ring makukulit na missed calls. hindi na rin tayo magkikita sa powerbooks o makakapag-liwaliw sa mga gallery sa 4th floor o makakakain sa foodcourt na "restaurant-of-choice" natin para makatipid. hindi ko na rin makikita 'yung ugat sa noo mo sa tuwing tumatawa ka sa mga patutsada ko. hindi na rin kita mabubunutan ng uban sa buhok o maaalisan ng white heads sa likod o mapupunasan ng pawis sa ilong. hindi na rin kita mapagtatawanan tungkol sa "chicken legs" mo, o mararamdaman ang iyong ulo sa balikat ko 'pag lasing na lasing ka na't 'di na makagulapay. hindi ko na rin mahahawakan ang mga kamay mo sabay sabi ng, "mag-drawing ka ulit". hindi na rin mauulit 'yung "sign language" na ginagawa mo sa tuwing pauwi ka na.wala na ang lahat ng iyon, kinuha na ng panahon at pagkakataon. marami na tayong pinagdaanan, at gusto kong isipin na marami pa tayong susuungin, nang sabay. pero hindi na maaari. sadyang bubusugin ko na lang ang sarili ko sa iyong mga alaala, at pipiliting magpatuloy sa pag-asang baka dumating ang isang araw at lingunin mo 'ko.
...
i just found out something today.it hurts.
masayang malungkot
heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN..
1. si nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
2. walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
3. diyes sentimos lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
4. merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo; special man o lokal;
5. mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay maestro/a o titser;
6. di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala; manamis-namis ang tubig sa poso;
7. malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-piknik, o kaya sa tumana; nagsisirko kami sa dayami at pag napawisan ay nangangati ang buong katawan;
8. grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams..lalo na pag nasa row 4 ka;
9. simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak..
10. pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na willy's noon;
11. mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong; "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca, borador, ihip (ng goma) atbp;
12. di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon;
13. maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng philip morris, malboro, champion (kahon-kahon yon!) o kaya pinitpit na pake o tansan..pwede rin ang pinagbalatan ng kendi..
14. may dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;
15. butas na ang sakong ng spartan mong tsinelas - suot mo pa rin..ooppss, wag kalilimutan ang advan na rubber shoes;
16. namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa;
17. sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology..di ba minsan nangarap ka na rin..mas masaya noong araw! sana pwedeng maibalik..
18. takot tayo ngayon sa buhay. kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob;
19. noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara..na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo;
20. balik tayo sa nakaraan kahit saglit..
21. bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone..
22. noong wala pang mga drugs at malls..
23. bago pa nauso ang counter strike at mga game boy..
24. tayo noon..doon..tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
25. ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "mga aninong gumagalaw";
26. unahan tayong sumagot sa multiplication table na kabisado natin, kasi wala namang calculator;
27. pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama;
28. pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
29. gagamba..tutubi..salagubang;
30. paswit ng amang..nginig na tayo lalo na pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page;
31. nai-sako ka rin ba? o kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon? o napahalukipkip lang?;
32. pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; mantika na galing sa katas ng gumamela..katol na yari sa dinikdik na dahon alagaw..minsan, sigarilyo-sigarilyuhan din..naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?;
33. karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
34. meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? o kaya ang lukaok, susuwi at espada?;
35. susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata..
36. estigo santo kapag nagmamano;
37. mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
38. tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!;
39. yung crush mo? pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho?;
40. pwede ring ang sukli ay kending vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
41. kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;
42. puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy;
Madami pa..
43. masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isasawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin..halo-halo, yelo, asukal, at gatas lang ang sahog;
44. sakang ang lakad mo at naka-saya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan;
45. lipstick mo ay papel de hapon; labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
46. naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? pwede rin sa laylayan;
47. may mga program kapag lunes sa paaralan;
48. may pakiling kang dala kung biyernes kasi magi-isis ka ng desk;
49. di ba masaya? naaalala mo pa ba?
50. wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon..
51. masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon..
52. di ba noon..ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? ito ba o ito?" pag ayaw ang resulta di uulitin; awit muna: penpen de sarapen, de kutsilyo, de almasen. how how the carabao batuten;
53. presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
54. masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
55. nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
56. naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen;
57. yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo;
58. di natutulog and inang, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco..super taas ng lagnat mo pag may choco-vim ka!
kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN! pustahan tayo nakangiti ka pa rin!kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay..........MATANDA ka na! hehehe..pero kung hindi naman, baka may MEMORY GAP ka na! o kaya padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin siya.