twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Friday, October 12, 2007

aurora

ngayon ay naaalala na naman kita. at hindi ko mapigilang umiyak dahil alam kong malayo ka na. inagaw ka na rin ng responsibilidad tulad ng lahat.

hindi na kita pwedeng ayaing mag-ukay at mag-isaw sa bayan 'pag linggo ng hapon't walang magawa. hindi na kita makakasalo sa makailang bote ng beer sa tuwing pugpog na tayong pareho ng "pressure" sa trabaho. hindi ko na pwedeng i-share sa 'yo ang mga bago kong tuklas na libro o musika o palabas sa TV. hindi na tayo pwedeng manood ng sine, pagkaraan ay mag-usap tungkol sa kung anik-anik at umagahin sa parking lot ng megamall. hindi na rin natin mapapatag ang greenhills kakatingin sa mga sapatos na wala naman tayong perang pambili. hindi na rin ako makakatanggap ng mga text na one-liner, joke, o quote, at wala na ring makukulit na missed calls. hindi na rin tayo magkikita sa powerbooks o makakapag-liwaliw sa mga gallery sa 4th floor o makakakain sa foodcourt na "restaurant-of-choice" natin para makatipid. hindi ko na rin makikita 'yung ugat sa noo mo sa tuwing tumatawa ka sa mga patutsada ko. hindi na rin kita mabubunutan ng uban sa buhok o maaalisan ng white heads sa likod o mapupunasan ng pawis sa ilong. hindi na rin kita mapagtatawanan tungkol sa "chicken legs" mo, o mararamdaman ang iyong ulo sa balikat ko 'pag lasing na lasing ka na't 'di na makagulapay. hindi ko na rin mahahawakan ang mga kamay mo sabay sabi ng, "mag-drawing ka ulit". hindi na rin mauulit 'yung "sign language" na ginagawa mo sa tuwing pauwi ka na.

wala na ang lahat ng iyon, kinuha na ng panahon at pagkakataon. marami na tayong pinagdaanan, at gusto kong isipin na marami pa tayong susuungin, nang sabay. pero hindi na maaari. sadyang bubusugin ko na lang ang sarili ko sa iyong mga alaala, at pipiliting magpatuloy sa pag-asang baka dumating ang isang araw at lingunin mo 'ko.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hinihintay ko ang susunod na aparisyon at karugtong ng aurora borealis mo. :) kumusta ka na?

Monday, November 19, 2007 11:26:00 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home