twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Saturday, July 5, 2008

all roads lead to paradise

or "the musicians i want to see live while i'm jumping, dancing, and sweating in the audience":


1.) DEFTONES
parati kong pina-plugging sa mga tao na pag tumugtog sila dito sa pinas, maghuhubo ako papunta sa venue. pwera biro. mula nung napanuod ko ang "be quiet & drive" nung hayskul pa lang ako, i've been a loyal follower from then on.


2.) RADIOHEAD
thom yorke is a genius. and "no surprises" hurts beautifully. enough said.










3.) TORI AMOS
i still can't seem to reconcile the reason why my mom enrolled me to that stupid ballet class instead of me learning how to play the piano. inaasam-asam kong kilabutan sa pagkanta nya ng "caught a lite sneeze" habang nakikipag-flirt sa kanyang Bösendorfer. nice.





4.) UP DHARMA DOWN
blessed to have seen them perform just a few inches away from where i am sitting, with paul yap and the "hiwaga" he does with his bass. i just hope they won't get tired of playing their standards. fingers-crossed.



5.) AT THE DRIVE-IN
first of three bands on this list that i categorized as "hair considered as a separate entity". hehe. kahit na alam kong non-existent na sila ngayon, nilagay ko pa rin dahil umaasa ako sa isang milagro, na darating ang araw na makikipagbangasan ako ng katawan sa saliw ng "pattern against user".




6.) TOOL
with the help of modern technology a.k.a. youtube, i watched them perform at the 1993 reading festival, with maynard's weird rendition of "sober" while sporting an overall with nothing underneath. it maybe down-right creepy, but his voice is the real thing.






7.) BJORK
medyo napoot ako nang i-kwento saken ni rian (ang pinoy hobbit galing australia) na ni-remake ang isa sa kanyang mga kanta ng 30 seconds to mars. ayus lang din (dahil kanya-kanya naman tayo ng trip), basta ba wag nilang papakialaman yung "joga". patawarin na ko ng poong maykapal pero gagawin kong morphed eyeliner-na-nagkatawang-tao si jared leto pag nagkataon.


8.) COHEED AND CAMBRIA
second band in the "hair considered as a separate entity" category. dahil sa "the crowing" ay maglalakad naman ako nang paluhod papunta sa venue. and if that meant i would have to cross the atlantic just to watch their NEVERENDER concert (4 albums in 1 night), i'd better get some damn good knee pads & snorkeling gear to make it work.

9.) SILVERCHAIR
maaaring mas gusto ng nakararami ang daniel na galit at rebeldeng tineydyer, pero minsan ay di naman masama ang pagbabago. spell E-V-O-L-V-E. saludo ako dahil di sila nakakalimot sa pinagsimulan nilang grunge, rinig na rinig pa rin sa "miss you love". tamis.

10.) CYNTHIA ALEXANDER
buhay na buhay pa rin sa memorya ko ang minsan kong narinig na usapan ng dalawang totoy sa isang gig na dinaluhan namin sa marikina: di raw nila kilala ang tumutugtog ng "motorbykle" dahil pang-matalino lang daw iyon. natawa ako. e di ako na si einstein kung gayon. kidding aside, sa kanya lang ako laging nasa-starstruck, at tinuturing kong isa sa aking mga prized possessions ang tickler na pinirmahan nya.

11.) RAGE AGAINST THE MACHINE
mayabang na kung sa mayabang pero kabisado ko ang lahat ng lyrics ng mga kanta nila (lalu na yung "know your enemies"), at masasagot ko ang tanong kung sino si che guevara na naka-print sa tshirt ko. e di ikaw na.

12.) 311
kino-cover dati ng mga barkada kong bukod sa nagba-banda na ay umi-iskateboard pa. kahit na kinuha na ng dilim at ni amang ang boombastic dick ngayon ay laman pa rin ng jamming sessions namin ang "down" at "all mixed up".





13.) THE CHEMICAL BROTHERS
kaya kong magsa-trance sa "setting sun" kahit na di nakaka-ecstacy. di ko lam pero yung scene na tumatakbo si tom cruise sa gitna ng times square ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing mababanggit ang dalawang ito. thank god at di pa gaanong namo-monopolisa nuon ng pop ang MTV (at wala pa ang joke na si Utt) kaya madalas akong nakakapanuod ng alternative nation.


14.) WEEZER
maraming nagsasabing sila ang "Fathers of Emo", but i beg to differ. walang bangs at eyeliner si rivers, at lalung walang ka-sentihan ang lyrics nila. naging anthem naming magkaka-barkada nung hayskul ang "pink triangle" (di dahil galing kami sa exclusive-for-girls na catholic school hehe), na laging pinatutugtog habang nagdidilig ng halaman bago mag-flag ceremony.

15.) ALANIS MORISSETTE
sa "jagged little pill" pa rin ako, kahit pa naghubo sha sa isa sa kanyang mga video. at kahit na poging-pogi si ryan reynolds, naba-badtrip ako sa kanya dahil magmula nung nagkaroon sila ng relasyon ay naging "tamed" na ang lola nating nag-uumapaw sa angst dati. di bale na nga. gusto kong isipin na yung "mary jane" at "perfect" ay isinulat para sa 'kin. wish.


16.) BLUR
sige na nga, ako na tong two-timer dahil sa pinagsabay ko ang "beetlebum" at "don't look back in anger" ng oasis sa cassette player namin. pero anu ba laban ko sa ka-geeky-han ni graham? i'm only human! hehe. magdadasal ako na sana, pag nag-gig sila dito sa pinas, ay mayroong sumasayaw-sayaw na dalawang karton ng gatas (kahit filler lang).

17.) THE YEAH YEAH YEAHS
paborito kong patugtugin ang "maps" pag bumibiyahe sa NLEX o iniinda ang pakikipag-siksikan ng mga tao sa MRT sa tuwing papasok ako sa magdamagang trabaho sa makati. ewan ko ba pero parang nag-gi-gymnastics ang boses ni karen o sa mga papikit-pikit na ilaw sa kalsada sa utak ko. *sigh*




18.) A PERFECT CIRCLE
kung ganito lang lagi katindi ang magiging epekto nito sa sangkatauhan e hihikayatin ko na ang lahat ng bandang magkaroon ng side-project. sana ay makita ko uli si paz na pinaliligiran ng mga elitistang nagwa-waltz habang tinutugtog ang kanyang byolin, sa saliw ng "3 libras".

19.) BECK
i think there's something about how the camera freezes, then zooms on him, while wearing a cowboy hat and carrying a boom box, as he coasts along various locations in the "devil's haircut" video. my pre-pubescent days were never the same again. and oh, "Hansen" ang apelyido nya, kaya wag na shang i-konek sa mga binatang nag-u-mmmbop. intiende?


20.) THE POSTAL SERVICE
salamat kay blushes at ipinakilala nya sila sa 'kin, na nagbigay-daan upang matuklasan ko ang "the district sleeps alone tonight"; ngayon ay laman na ng aking multiply at blogger sites ang "i am a visitor here, i am not permanent".


21.) FOO FIGHTERS
matagal ko ding dinamdam kung bakit hindi ako maagang naipanganak nang malaman kong nag-concert sila dito, kasama ang beastie boys at sonic youth. magaling si dave grohl, at kahit na siguro hindi namatay si kurt ay maipapanganak pa rin ang "aurora", at hindi sila malilimitahan sa pagiging elevator music lang.

22.) CAT POWER
so what if she's a model? kung tutuusin, dapat pa nga ay napopoot ako sa kanya dahil bukod sa maganda na, ay talentada pa. UNFAIR! pero anu ang ikagagalit ko kung tumutugtog ang "i found a reason" habang naka-focus sa isang kalbong natalie portman? sabi ko nga, wala akong reklamo.





23.) SMASHING PUMPKINS
poreber na anthem ng rebellious-but-carefree college days ko ang "1979", at kay d'arcy nagsimula ang lihim kong pagnanasa sa mga bahista. kahit na sina jimmy at billy na lang ang natira, habang kinupkop naman ng APC si james, at nawala na lang parang bula si ate, patuloy kong gagambalain ang wish ko lang para mabuo silang muli.



24.) PORTISHEAD
kung di ka mapapa-WOW! (with matching na pag-nganga) sa live rendition ni beth gibbons ng "glory box" sa live at roseland ballroom 1997, sa palagay ko ay dapat magpatingin ka na sa isang espesyalista. di bale nang nasayang ang yosi, minulto naman ako ng kantang yun.

25.) INCUBUS
patawarin mo ko brandon at hindi ako nakapunta sa araneta nuon, mahal kasi ng ticket at puro bago na ang repertoire nyo. pero kung ipa-pramis mo sa 'kin na tutugtugin nyo ang "favorite things" at nasa harap si jose pasillas, kahit na di ka naka-dreads, sisipot ako. *isang eksena sa panaginip*




26.) DAVE MATTHEWS BAND
kapatid ko pa ang nakapansin na ikaw yung badette na shop owner sa "i now pronounce you chuck and larry". akalain mo yun. pero ayus lang. kahit man lang sa pelikula ay mapatawa mo ko, dahil hanggang ngayon ay napapaiyak pa rin ako ng "the space between".




27.) THE CURE
sila ang pang-huli sa kategoryang "hair considered as a separate entity", dahil ibang listahan yung para sa mga may eyeliner at bangs. mga kanta nila ang madalas na isinasalang sa videoke sa tuwing may piging ang wedclub, kaya hindi kaduda-duda na laging 100 ang score namin. pang-alis ng suya ko sa araw-araw na ka-chuva-han ng mundo ang "close to me".