twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Sunday, June 29, 2008

bubble wrap

kung sakaling naubos na lahat ng blackheads at whiteheads sa inyong mukha kakukutkot, o napudpod na ang inyong mga kuko kakakain ng cuticles dahil sa kakapusan ng pwedeng gawin, mabisang backup ito:

Wednesday, June 25, 2008

maglaro tayo. GAME.

RULES:
- Put your music player on shuffle.
- Press forward for each question.
- Use the song title as the answer to the question even if it doesn’t make sense.

START:

How are you feeling today?
lullaby - the cure
("dahil sa wala ka namang anak o pamangkin na pwedeng kantahan ng oyayi, itulog mo na lang daw yang mga ka-kyeme-han mo.")

Will you get far in life?
awful - hole
("matulog ka na nga lang..")

How do your friends see you?
weak and powerless - a perfect circle
("ouch.")

Will you get married?
popular - nada surf
("anu yan, PISBOL?! umaarte ka pa kasi diyan na para bang naniniwala ka sa kasal.")

What is your best friend’s theme song?
i wanna be sedated - the ramones
("hinihintay ko pa rin ang bilot-bilot sessions sa chateau de dulong malabon. wag lang sanang i-suplong ni kabo panatiko.")

What is the story of your life?
weird fishes/arpeggi - radiohead
("everybody leaves/ if they get the chance/ and this is my chance..")

What was high school like?
yellow - coldplay
("monopolyado ng mga intsik ang holy.")

How can you get ahead in life?
oi to the world - no doubt
("daanin sa gulat ang buhay.")

What is the best thing about your friends?
how soon is now? - the smiths
("we are charmed.")


What is today going to be like?
the weather report - cynthia alexander
("i-double check muna kay kuya kim.")

What is in store for the weekend?
love is a losing game - amy winehouse
("sabi ko naman sayo e. para lang sa mga naka-skinny jeans ang pag-ibig. rampa ka na lang sa istarsmarts.")

What song describes you?
schism - tool
("SCHISM (noun) - a split or separation, typically caused by a tension resulting in a lack of agreement among people, groups, or things. o ayan, nagsalita na ang diksyunaryo.")

To describe your grandparents?
fallen on deaf ears - urbandub
("medyo wala kang galang, dyaskeng bata ka.")

How is your life going?
i'll be here awhile - 311
("BUHAY: dito lang ako sa gedli, dang. saka mo na lang ako balikan pag trip mo na.")

What song will they play at your funeral?
love song for a vampire - annie lennox
("PWEDE! hintayin mo lang, anne rice.")

How does the world see you?
joga - bjork
("..this state of emergency, how beautiful to be.")

Will you have a happy life?
is this it - the strokes
("choosy ka pa, friend?")

What do your friends really think of you?
hairpin - sandwich
("..na-na-na-na-na-na-necessary.")

Do people secretly lust after you?
know your enemy - rage against the machine
("anu ba yan. wala ka na ngang 'love', mapupurnada pa ang 'lust'. magsaksak ka na lang kaya?")

How can I make myself happy?
ironic - alanis morissette
("AKO + KALIGAYAHAN = MOCKERY.")

What should you do with your life?
generator - foo fighters
("gamitan portion na naman ba ito? ayoko nga. mahal na ang gasolina ngayon no.")

Will you ever have children?
ana's song (open fire) - silverchair
("tara na dito, daniel johns! BILIS!")

How do you picture yourself 5 years from now?
time consumer - coheed and cambria
("at least, na-immortalize ako sa comic book.")

What is best to describe your special someone?
teenager - deftones
("di kaya kay blushes dapat ito? GO HAPPY MEALS!")

What is in store for you in this world?
not an addict - k's choice
("i'm in heaven/ i'm a god/ i'm everywhere/ i feel so hot..")

What would your life be 10 years from now?
waiting in vain - bob marley & the wailers
("buti na lang patay ka na, bob. kung hindi, kinalbo na kitang rasta ka. PESTE.")

Will you be successful?
tikman - eraserheads
("tamis.")

How was your childhood?
life in mono - mono
("teka. 'MONO' ba yung maghapong umaakyat sa puno, nakikipag-laro ng moro-moro sa mga bulugan, at laging pinipingot ng ina dahil bukod sa gabi na kung umuwi ay amoy-araw pa? i don't think so.")

What song best describes your mood right now?
irreplaceable - beyonce
("may angas din e.")

How was it answering this survey?
loser - beck
("sinabi mo pa, beck. isang malaking KOREK. it rhymes!")

Friday, June 13, 2008

"GAGALING!"

*dahil sa bigla na lang pumaibabaw at naging parte ng aming diksyunaryo ang "birhen de la buenviaje" at "torreng garing", naisipan kong hanapin ang buong teksto. kaya mga badette, heto't magpaka-lunod na tayo sa mga pwede nating gawing alyas sa mga ka-berks. hehe. ENJOY!


Litanya sa Mahal na Birheng Maria

Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan, maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin.
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, maawa ka sa amin.
Santa Maria, maawa ka sa amin.

V.
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karunungan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtiman,
Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Hari ng mga anghel,
Hari ng mga patriarka,
Hari ng mga propeta,
Hari ng mga apostol,
Hari ng mga martir,
Hari ng mga confesor,
Hari ng mga Birhen,
Hari ng lahat ng mga santo,
Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Haring iniakyat sa langit,
Hari ng kasantu-santosang Rosaryo,
Hari ng kapayapaan.
R.
Ipanalangin mo kami.

V. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
L. Patawarin mo po kami, Panginoon.
V. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
L. Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
V. Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
L. Maawa ka sa amin.
V. Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
R. Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.