twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Wednesday, May 28, 2008

baby love

ayun na nga. ipinanganak ka na. FINALLY.

nung lunes, habang naka-tengga buong maghapon ang YM ko ay minessage ako ng tatay mo ng "kita mo na?" sabay BUZZ! pagkaraan ng di ko pagsagot after 5 minutes. kahit alam ko na kung ano yung tinutukoy nya (dahil nakita ko na ang inyong family pictures 2 days ago sa prengster account ng nanay mo) ay nagpaka-inosente na lang ako at nagtanong ng "anu ba yung sinasabi mo?" ang tinutukoy pala nya ay ang larawan mo na ginamit nya bilang avatar, na di ko rin naman nakita dahil sa di ito naka-"share". kinulit pa ko ng tatay mo kung ang nanay mo daw ba talaga ang kamukha mo. bago pa man ako nakasagot ay sinundan na nya ito ng "kulay lang ata ang nakuha sa 'kin". wag kang mag-alala, nakuha mo din ang hugis ng tenga nya.

walang kaabog-abog ay napunta ang usapan sa aming dalawa. nag-paumanhin na naman ang tatay mo sabay sabing magiging mabait na sya sa 'kin. kung pilit lang kako yun ay wag na lang. pero sinagot nya ko ng "i want us to be ok". naiyak ako.


ilai: marami nang nangyari bago ka pa man nabuo, ipinagbuntis, at naipanganak. pero labas ka na dun. masaya ako na andito ka na, isang malaking blessing. ngayon pa lang ay magso-sorry na ko sa pagtanggi bilang ninang mo, para na rin sa ikapapanatag ng lahat. ngunit sisiguraduhin ko sa 'yo na kung may kakailanganin ka man, makakaasa ka sa 'kin --- tulad ng pagiging nariyan ko sa tatay mo.

Wednesday, May 14, 2008

where does the PHILIPPINES fit in?

*got this from a pinoy blog site:


THE GEOGRAPHY OF A WOMAN

Between 18 and 20, a woman is like AFRICA:
half-discovered, half-wild, naturally beautiful, and with fertile deltas.

Between 21 and 30, a woman is like AMERICA:
well-developed and open to trade, especially for someone with cash.

Between 31 and 35, she is like INDIA:
very hot, relaxed, and convinced of her own beauty.

Between 36 and 40, a woman is like FRANCE:
gently aging but still a warm and desirable place to visit.

Between 41 and 50, she is like YUGOSLAVIA:
lost the war --- haunted by past mistakes; massive reconstruction is now necessary.

Between 51 and 60, she is like RUSSIA:
very wide and borders are unpatrolled; the frigid climate keeps people away.

Between 61 and 70, a woman is like MONGOLIA:
with a glorious and all conquering past, but alas, no future.

After 70, they become AFGHANISTAN:
almost everyone knows where it is, but no one wants to go there.

Thursday, May 1, 2008

mayo uno

"In the Philippines, the first labor day was celebrated on May 1, 1903 by a demonstration of 100,000 workers led by the Union Obrera Democratica de Filipinas (UODF or Democratic Labor Union of the Philippines). The demonstration was held in front of Malacañang with the workers shouting “Down with U.S. Imperialism.” Within the same month, the home of UODF president Dr. Dominador Gomez, and the printing press where the UODF organ was printed, were simultaneously raided. Gomez was charged with sedition and illegal association." - from bulatlat.com


naging tutor ako ng kapitbahay namin at taga-gawa ng kanilang homework/project nung ako'y nasa hayskul pa. naging service crew ako sa jollibee at tutor/nanny ng mga koreano sa jabez nung college. naging inbound sales advisor ako sa convergys 2 years ago. balik ulit ako sa pagiging english instructor ng mga 'yano sa 911 sa kalayaan QC.

ngayon ko naiintindihan kung bakit naka-graduate ako na bente lang ang baon; kung bakit kailangang ipunin at tahiin ang mga 'di-nasulatang pahina ng notebook at lagyan ng liquid eraser ang mga sagot sa workbook para magamit muli ng nakababata kong kapatid; kung bakit sa tuwing pumupunta kami dati sa SM ay may dala-dala kaming pananghalian at hindi kumakain sa mga restawran; kung bakit kailangang butas-butas na at kasing-nipis na ng papel ang suwelas ng aming sapatos bago ito mapalitan; kung bakit lagi kaming may nakahandang "promisory letter" imbes na resibo 'pag periodical test; kung bakit tuwing birthday o pasko lang kami nakakapag-jollibee ('pag sinuwerte); at kung bakit nginangarag ako lagi ng mama kong patayin ang ilaw at alisin sa saksak ang mga de-kuryente 'pag 'di ginagamit.

mahirap ang buhay sa 'pinas. kung dati ay "status symbol" ang pagkakaroon ng anak na nagtapos bilang doktor, abugado, o inhinyero, mas may yabang na ngayon ang isang nursing graduate na makakapang-ibang bansa. kaya 'di na rin nakapagtataka kung bakit marami ang atat na atat pumalaot sa dayuhang bayan: isanla ang titulo ng kanilang lupa o alagang kalabaw, ipagkatiwala ang kanilang mga supling sa kamag-anak, at ipagpalit ang natapos na kurso upang maging domestic helper o taga-tabtab ng kalawang sa barko. sabi nga ng mama ko (na nasa lupain ng mga maple leaf), "di ka yayaman sa 'tin. mas maganda pa nga kung may nagtatrabaho dito 'tapos diyan gagastusin." kunsabagay, choosy ka pa ba kung kumakalam na ang sikmura mo?

tanungin mo man ang mga friendly vakei ko, ako ang numero unong sumasalungat sa tuwing may usapan tungkol sa pagtatrabaho sa ibang bansa. DATI 'yun. ngayong "manggagawa" na rin ako't nararamdaman ang hirap na kaakibat nito, mas nagkakaroon na ng "sense" ang mga pangaral sa 'kin ng mama ko noon: akala ko kasi dati nagme-menopause na sya kaya mainit lagi ang ulo nya o sadistang pinagti-tripan kaming magkakapatid.

sa panahon ngayon na ang omento sa sahod ay pwedeng maging tema ng isang episode sa "pangarap kong jackpot" o "wish ko lang!", lubos ang pagpupugay ko sa pilipinong obrero na patuloy pa ring sumusuong sa hamon ng buhay kahit na paulit-ulit na dinadagukan ng sunud-sunod na kamalasan at pagsubok. SALUDO.