twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Tuesday, August 21, 2007

ang tres marias in micro-mini's

what are the odds na magkakaibigan ang mga estudyante namin nina cj at jennie? galing.

salamat ashley sa mga pandesal moments, sa pagpapajubiz sa 'kin sa pancake house at teriyaki boy, sa greeting card written in tagalog ngunit with translations in english & korean, at sa mabilisang interchange 3rd edition. hindi man ako naiyak nung paalis ka (palibhasa dahil bangag pa 'ko), napagtibay ko naman ulit kung bakit gusto kong maging guro. padayon..

Friday, August 10, 2007

a-diyes un agosto mil nueve siyentos otsenta y uno

'dyan louise gaspar angeles' ang nasa birth certificate kong mas malutong pa sa mga mura ko. pero marami nang pangalan ang na-derive mula rito. andiyan na ang dyan teacher, ATE, mama/nanay dang, MARE, mother, LOLA, mudra, DANGGOONS, dang-tra, DANG-TRAK, dang-erls, DANGGIT, dang-china, DANGGE, at ang pinakabago: dang-geum. kahit anu pa man 'yan, iisang tao lang 'yan. ako pa rin si DANG na ipinanganak sa paseo, lumaki sa san juan, marikina, at meycauayan, nag-elementarya sa poblacion, nag-hayskul sa sta. isabel, nag-kolehiyo sa espana at guinhawa, tumambay sa ortigas, nag-martsa sa mendiola, rumampa sa ayala, nagpatag ng aurora at quezon ave, at kasalukuyang walang patutunguhan sa buhay. ako pa rin si DANG na mahilig umupo sa isang sulok at manuod ng mga taong dumadaan, mag-yosi bago pa man ma'y lumabas na kung anik sa bunganga ko dahil sa galit, wumapak kasama ang mga ka-berks, maligo sa ulan, magbasa at magbasa at magbasa (mula sa mga librong pang-daycare hanggang sa mga nakapaskel sa kalsada), magluto't kumain, mang-olay, hawiin ang mga sapot sa utak ko (pati na din 'yung sa iba), magkape bago matulog, tumawa at humagulgol ng sabay, mag-kulay sa coloring book, mag-praktis pumirma sa kahit anung peding sulatan, kaawaan ang sarili, magsulat tungkol sa kung anik-anik, mangarap ng gising, magsilbing ATE at INA sa lahat, kausapin ang sarili, tumulala, mag-update ng prengster, at magpasimuno ng away. ako pa rin si DANG na nagsimulang makipaglaro sa literatura nang mabasa ko (at matapos) ang 'the little prince' ni antoine de saint exupery noong grade 5, makipagbangasan ng katawan sa mga moshpit, patayin ang oras sa paglilipat-lipat lamang ng mga channel, at mag-pirated dvd marathon sa kalaliman ng gabi. ako pa rin si DANG na mababaw ang kaligayahan (sa pinitas na santan o gumamela ay mapapaiyak mo na 'ko), maraming naiintindihan pero madalas pa ring nalilito, masyadong sensitibo at nag-oover-interpret ng mga bagay-bagay (palibhasa socsci major, maisingit lang), nabibigatan sa ulan ngunit nalalagkitan sa araw, at madalas na binabaha ng mga hangups ang buhay kung kaya mahilig matulog para managinip lang. ako pa rin si DANG na takot sa dugo at sa mga clown, OC/perfectionist, frustrated musician, nocturnal, sex guru, babaeng bakla, cynical, at laging intoxicated. marami pa 'yan, pero tamad ako, at inaantok na.

xs.
sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa dalawampu't anim na taon ng maikli ngunit jampacked kong buhay, 'di ako guest sa oprah para sabihing "wala akong pinagsisisihan at kung bigyan ulit ako ng pagkakataon ay parehong buhay pa rin ang pipiliin ko". nyak. maraming aspeto ang sana ay 'di na lang nangyari ngunit ngayon ko lang na-realize na masuwerte ako. sabi nga ni blushes *salamat* na 'sa pagtingin mo sa salamin ay makikita mo ang sariling pinangarap mong maging nung ika'y musmos pa', maaaring hindi ang pagiging alkoholik o pariwara. at masasabi ko ngayon (nang may kakapalan ng mukha) na walang anuman o sinuman ang makakaagaw sa 'kin nun.