si ariel, ang malinggit na sirena
alas diyes kwarenta y dos ng gabi.a-bente kwatro ng hulyo.martes.
me reklamo ako sa marlboro. bakit ang daling maupos ng lights? kapag nahahanginan lang bahagya ng hangin? 'di n'yo ba alam na mahirap ang buhay ngayon, at 'di ganun-ganon lang ang kumita ng pambili ng bisyo?!
sa angkang gaspar at angeles.
sino ba ang may gusto ng perpekto? nakakauyam. ngunit 'di man tayo ang seventh heaven, napakalaking kaginhawahan naman dahil matatag tayo. sana, ma, maisama mo ako sa mga pangarap mong jackpot. asus.
sa kalayaan.
mabilis ang mga araw. puno ang iskedyul kaya pikit at lunok lang ang pahinga, sabay lusong muli sa baha. maging ang quezon ave at aurora ay pinatag ko na. natatakot ako dahil parang ka-punto ko na ang mga singkit. nyiii. pero 'wag n'yong ipagkamali: masaya ako sa trabaho ko. ngayon ko lang naramdaman ang 'di matatawarang galak na kahit magkamali ako sa paggamit ng 'is' at 'are' ay hindi ako ine-edit (dahil nga mas matigas pa sa ulo ko ang mga dila nila). nakakasapat naman ang kumikitang kabuhayan dahil kahit i-menos ko na lahat ng gastusin ay me pera pa 'kong panustos sa mga iskolar ko.
sa lotlot en prens.
nuno ng suwerte dahil sa lahat ng kabalahuraan at kalukahan ko ay nasisikmura pa ninyo ako. nagnanaknak sa pasasalamat dahil napagtibay ang paniniwala kong 'di man ako mabait, 'di rin naman ako ganun kasama. sa inyo ko ibibigay ang huling tagay.
at sa iyong ayaw magtext sa 'kin (wala akong reklamo pramis), inom uli tayo sa linggo.
*paumanhin sa maligasgas kong pagta-tagalog. ako ma'y ngayon pa lang natututong magsalin.