twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Friday, July 14, 2006

mura na, nauutang pa

nagsimula ang lahat nang nagsipag-graduate ang mga tao. naging abala si win sa cubao, pagkatapos, sa ortigas. si jay, tumugtog muna sumandali bago sumubok sa epldt. nagka-pamilya si ted, habang pinilit makatapos ng comsci. sinundan ng pagtatrabaho ni dylan, at ng pagiging abala n'ya sa mentors. lumipad si julius papuntang thailand para magturo. nagka-responsibilidad sina keyt at pute. 'di nag-enrol si japs, rumampa sa makati. mayroon na ngayong bagong pinagkakaabalahan sina chrissy at deyb, kasabay ng pakikipag-buno nila sa engineering. nawala sa sirkulasyon si potter, ngayo'y balik-aral na rin. ipinahinga na muna ni bobet ang kanyang buhay bilang isang TSR upang magturo ng ingles sa mga koreano. maging ako'y inagaw na rin ng puyat. ang ibang naiwan, nilamon na ng dilim. nakadagdag pa ang pagkakasara ng peys. nagsisimula nang magkahulma ang matagal ko nang kinatatakutang mangyari. aminado mang magkakahiwa-hiwalay din pagdating ng araw, pilit kong itinatatwa ang ideya. sabi ko pa dati: "kaya 'yan." pero nakakapagod na rin palang mag-aya ng mumunting salu-salo, 'tapos ang bubungad naman sa 'yo ay: "pasensya na, 'di ako pwede, bawi na lang ako sa susunod" (not in the exact order ha). naiintindihan naman ng mga tao kung talagang may gagawin o aasikasuhin o pupuntahan, pero kung sa araw-araw na lang na ginawa ng diyos ay iyon ang rason, nakakarindi na rin. at sa nakikita ko, mismong 'yung mga tao na rin ang nagtutulak sa mga sarili nila na lumayo. 'di ko alam kung dala na lang ng pagtanda o talagang sentimental ako to begin with pero 'di maganda ang nangyayari.

xs.
mga ka-berks, isang salita lang: EFFORT. 'di na yata peding daanin na lang sa kembot.
(at 'wag n'yo nang tanungin kung bakit 'yun ang pamagat. trip lang.)