twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Saturday, February 7, 2009

para kay "B"



nitong nakaraang dalawang linggo ay kaulayaw ko si mamita Ricky Lee at ang kanyang "Para kay B". batay kay Lucas (isang manunulat) na karakter sa isa sa limang kuwento sa libro, ang "B" ay ang kanyang pinakamamahal na si "Bessie" (ang babaeng ayaw rumampa), na nagsilbing inspirasyon niya sa paghahabi-habi ng kanyang mga akda.





ngunit

subalit

datapwat

pero





may sarili akong interpretasyon kung sinu ba talaga si "B". malugod kong ipinakikilala sa inyo si...



Wednesday, February 4, 2009

maki-liko po sa kanto..



nang mautusan ako ng aking inay upang lumuwas at dayuhin ang Salazar Bakery sa SM North Edsa (dahil dun lang sila may malapit na branch) upang bumili ng halos labinlimang pack ng hopiang munggo na gagawing pam-pasalubong sa mga kasamahan pagbalik ng Canada ay naisipan kong dalhin si Pixie at mag-photoshoot sa kahabaan ng Quezon City. kahit na mas transportation-of-choice ko ang bus dahil mas mabilis ito at hindi ako nagiging sardinas sa sobrang sikip ay wala akong nagawa kundi mag-fx, dahil di ko rin naman ideya ang mag-super walkathon kung ibababa ako sa Muñoz o sa Quezon Ave.

matapos bagtasin ang mukhang-hindi-na-mauubos-na-trapik sa Balintawak ay pumara ako sa tapat ng isang nursing school na may katabing alive-alive center. naisipan kong tumambay sumandali at ipasyal ang aking panganay sa gitna ng pink na overpass sa may Paramount. at habang nagpapalinga-linga sa paglalakad ay nakita ko ang sign na ito. kahit na kabado at may tamang hinala sa mga dumadaan na baka sa isang pagkurap lang ng mata ay may humablot ng aking nyelpon ay kinodakan ko ito ng buong gilas at tapang.

pagkaraan ay ngingisi-ngisi akong nagpatuloy sa pagrampa. naisip ko, kung magiging totoo man na ang EDSA ay isang liko lamang sa bulacan e andaming paniguradong mapapa-jump-for-joy dito. marami ang makaka-ilang "5 minutes pa..", makaka-una sa pagpila sa MRT kung ika'y pang-umaga, mananawa ang mga "sushalero't sushalera" dahil sa magiging tambayan nila ang Trinoma at SM, makakatipid ng malaki sa pamasahe, hindi makakaltasan at mame-memo-han dahil sa dami ng late, maaabutan at masusubaybayan ang paboritong teleserye, mababawasan ang mga bakit-di-mo-ko-ginising na away habang nag-aalmusal, at higit sa lahat ay hindi mase-stress out sa pagluwas-luwas ng Maynila.

pero syempre, pwera na lang kung ito ay isang episode sa "Wish Ko Lang!" o sa "Pangarap Kong Jackpot", o mala-himalang mawawala sa mapa ang Valenzuela at ang ipapalit dito ay Malolos, mag-novena na lang muna tayong matapos na ang LRT Line 1 o maumpisahan na ang nag-uumapaw sa red tape na Philippine National Railways.

sabi ko nga, bibili na 'ko ng hopia.

Monday, February 2, 2009

kumander bakat


sariling bersyon ni Wilmer ng "Limang Dipang Tao"..


siya si WILMER BOBIS. isang alamat nang maituturing. bestfriend ni nanay luding nung nag-aapartment pa ang mga FA sa bulihan. mahilig tipahin sa gitara ang "the freshman" ng the verve pipe (oh kay daming "THE"..) nagfa-fashion show ng hubo na ang tanging pantakip lang sa kanyang tutut ay ang bula ng shampoo o kaya ay kabayo/plantsahan. laging nagsusubi ng sigarilyas kahit may niyoyosi na't may nakaipit pang isa sa kanyang tenga. minulto't di nakausad sa kanyang paglalakad habang nangangarap na mamunga ang mga puno sa capitol view park ng mga litro pack at patata. pasimuno sa pagtawag kay ian ng "IKING" pero sha man ay binabansagan ring may "MONKEY BUSINESS". mahal ng mga EDUC, lalu na yung may mga pangalang "josette" at "cathy". namaga ang hinlalaki one time dahil nakalimot na may sugat sha ngunit sumigi pa rin sa pagtalon sa maruming swimming pool. nilagyan ng poot ang salitang "headshot" nang minsang muntik nang makipag-rambol sa katunggali nung concert ng SIDE A sa bisu. promotor ng "jamming" tuwing alas tres ng madaling araw. ubod ng "hospitable" sa tuwing naiinom kami sa kanila at nagpapa-umaga: kukuha ito ng mga dahon ng saging upang gawing plato at magpapa-fresh buko juice pa. napabili ng di oras ng isang litrong coke at family-size na garden fresh pizza sa greenwich dahil sa pag-ibig.


"animal" lover

nagkita kaming muli (after 52 years) sa grand opening ng bagong shop ng pambansangdatcom sa malolos-bayan nung huling linggo ng enero. pagdating na pagdating ko ay tinanong ko agad sina nen at jo kung nasaan ang kanilang "mascot". nasa baba daw at namimigay ng flyers, ani ng mag-lhabhers (humirit pa na naka-costume daw ng pang-kalabaw hehe). nang sa wakas ay nag-pang-abot na rin, yosi agad ang aming naging "bonding" (lagi naman). marami daw kaming pag-uusapan, samantalang hiniritan ko naman sha ng "tungkol ba sa loyalty check ito?" pero dahil sa busy ang lahat sa pag-aaccomodate sa mga bisita't customer ay di na ito natuloy. inaliw na lang namin ang aming mga sarili sa pagkuha ng mga litratong walang bahid ng ka-seryosohan, kumain ng pansit at sapin-sapin, nag-reminisce, at inolay-olay ang mga taong mala-world youth day na dumadaan sa kalsada (may parada kasi ng mga sto. niño).

dapat sana ay sasaglit kami ng inom kina jomai, pero sumabay na sha ng pag-uwi kay keyt (na may ka-lover's quarrel hehe) dahil may gagawin pa daw sha bukas ng maaga. humingi na lang ng yosi at saka nakisindi ang kumag, habang hinahatid ako sa sakayan ng tricycle. siya nga naman.


xs.
hoy wilmer, may utang ka pa sa 'king serbesa. huwag mo nang hintaying dayuhin pa kita sa pulilan dahil malayo yun, at maaabala pa 'ko. nakakahiya naman sa 'kin. hehe.