twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Saturday, September 15, 2007

putanginamo.

ngayon lang ako nagalit ng sobra-sobra sa isang tao. akala ko pa nga dati parang imposible. dahil alam ng mga taong nakapaligid sa 'kin na madali akong mainis, pero kung gaano man kabilis magpanting ang mga tenga ko e ganun din naman kadaling humupa nun, sa pinakamababaw na mga paraan.

hindi ako nagsisising minura kita. kung tutuusin nga, kulang pa 'yun sa lahat ng mga pambabalahurang ginawa mo sa 'kin. "alien" sa sistema ko ang galit kaya nang maramdaman ko 'yun sa kauna-unahang pagkakataon, pagmumura ang naibulalas ko. kung pwede nga lang kitang patayin, why not? i'll be elated to do so. BUT YOU ARE NOT WORTH IT.

tapos na 'ko sa paghahabol sa 'yo. sa paglilinis sa mga kalat mo. sa pagpapa-realize sa 'yo kung ano ang halaga ko. sa pagtatagpi-tagpi ng reta-retaso mong buhay. sa dami ng alam ko sa buhay mo, at sa lalim din ng pagkakakilala ko sa 'yo, NAKAKAAWA KA. may respeto man ako sa narating natin, kung ganito ka naman ka-bastos, hindi ako magkikiming itapon lahat 'yun. masyado mong sinagad ang pasensya ko.

patuloy mong kumbinsihin ang sarili mong masaya ka. but you can only do as much. eventually, you'll get tired. and all of your demons will catch up on you, then eat you alive. when that happens, i'll be far enough for you to not bother me anymore.

'nga pala, MATAKOT KA SA KARMA. digital na 'yun ngayon.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

tapus na rin ako sa paglilinis ng kalat niya. haha. *sigh*
yngat palagi. ;)

Thursday, November 01, 2007 1:11:00 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home