memory low. please close all applications.
isang pagtutut ng aking nyelpon (o ha, baklese) kasunod ang ganitong mensahe:
"sedness nga, pero ayus na rin. ikaw talaga yan carrie na nag-crash ang notebook. malay mo naman symbolic din yan mare."
kudos, dylan dahil naisingit pa 'yan. ako ma'y 'di ko maiisip 'yung ganyan. you're so witty! hehe. sa totoo, parang ang galing ng pagkakataon. ewan ko ba kung me ESP lang talaga ang buhay at isa shang concerned citizen para sa welfare ko, o isang sadistang in-mate na lalu pang dinidiinan kahit na alam na nitong nasasaktan ka na. ewan ko ba. basta swak.
nagsimula ang lahat nang nagma-gee ako't naisip maging friendly sa mga tao. pagkatapos mag-unli (naks, parang high school) ay namili ako ng isang linya mula sa librong binabasa ko sa kasalukuyan at ipinadala sa halos dalawampung numero sa aking phonebook. sure enough, tulad ng madalas nang nangyayari ay nag-hang ang cp ko (woah, pubescent). pinatay ko ito't nang binuksang muli ay nagbura ako ng mga walang kawawaan at ipinagpatuloy ang aking "ms. congeniality gesture". parang hindi pa nakuntento ay nag-hang na naman ang lintek, at hindi na nakayanan ang pagre-restart lamang. ayus na sana dahil maipagagawa ko naman sha kinabukasan, pero nagmistula akong hubo't hubad dahil viernes nun, at meron kaming lingguhang tipanan na hindi nauudlot. to make the long story short, umuwi ako kinagabihan na sober. aheytit.
nalungkot ako hindi dahil 'di ako makapagtext sa mga tao. infamous na kasi ako sa hindi pagre-reply sa kanila. hehe. pero nanghinayang ako sa mga mensaheng naipon ko sa nagdaang isang taon at dalawang buwan, at sa dalawang folder na naglalaman ng mga pagbati sa 'kin ng mga ka-berks sa aking kaarawan. buti na lang at meron akong memory card, na-spare ang mga piksur at bidyo. pero tulad ng sabi ni dylan, siguro nga ay symbolic ang nangyari. kailangan ko na ng major overhaul na 'di matuluy-tuloy dahil sa in-denial pa rin ako, ngunit pinabilis na lang ng ganitong pagha-hang. sa sobrang dami ng isyung kinaharap ko, at sa sobrang lalim ng sakit na kinasadlakan ko, 'yun na siguro ang pinaka-lohikal na mangyari.
nakakatawa dahil nang naipagawa ko na ang aking mobile phone (you're so yuppy!) ay 'di naman gumagana ang bluetooth. siguro parang sa buhay din na may mga tao o bagay na 'di mo maisasama sa iyong paglalakbay. oh well, pedi naman ulit bumili ng panibago. hehe.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home