voices
sabi ni Derek Walcott:
“The time will come, when,
with elation,you will greet yourself
arriving at your own door,
in your own mirror...”
mapapagod ka din. magsasawa ka sa paulit-ulit na paghikbi kasunod ang “aayos din ‘yan” ng mga taong ‘di alam ang kanilang sinasabi. aabutin ka na ng hiya dahil sa tuwing magkikita-kita na lang kayo e s’ya ang lagi mong bukambibig, monopolyado na naman ang usapan na para bang wala silang buhay kundi ang makinig sa sirang plakang ikaw.
“Give back your heart to itself,
to the stranger who has loved you all your life,
whom you ignored for another,
who knows you by heart.”
kung totoo man ito ay wala ka naman na palang babalikan. unang-una, ‘di ba’t kaya ka nasadlak sa ganyan ay dahil na rin sa ipinagpalit mo ang lahat ng pinagsumikapan mong buuin sa ilang sandaling pagsundot ng young love, sweet love? ngayon ay para ka na namang sanggol na nag-aaral tumayo’t maglakad. walang kadala-dala.
“Sit. Feast on your life.”
halika. hintayin mong may dumating na producer ng mmk o magpakailanman. isang tagay pa ng beer at makailang hitit ng sigarilyo habang pinapanuod kitang unti-unting nauupos. but then, you always have a choice. blade o sa mandaluyong?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home