twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Tuesday, October 4, 2005

..but there's too many egos left to bruise*

"the space between
what's wrong and right
is where you'll find me hiding,
waiting for you."
['the space between', dave matthews band]


sabi mo, "ikaw ang naglagay sa sarili mo diyan. ikaw ang nagpababa sa sarili mo." 'di na 'ko nakaapila. daig ko pa ang na-knockout ni manny pacquiao sa unang round. pero kasalanan ko ba? mali ba 'yung makuntento sa kung anu 'yung kaya lang n'yang gawin at ibigay kahit na alam mo sa sarili mo na you deserve much more than that? dahil kahit na ipilit mo 'yun e 'di naman n'ya gagawin? mali bang magsabi minsan na "pagod na ko" o kaya e "di ko naiintindihan"? mali bang magbigay kahit na hindi ka naman nanghihingi ng anumang kapalit? mali bang sumagot ng "hindi ko alam"? kailangan bang laging ipaliwanag kung bakit ka nasaktan o nagalit, na kung tutuusin, dapat isang tingin lang e naiintindihan na n'ya? masakit makarinig ng totoo, pero mas masakit kung manggagaling sa taong matagal mong itinangi. para bang walang saysay 'yung hirap na pinagdaanan n'yo para lang umabot kayo sa kung nasaan man kayo ngayon. lagi ko pang sinasabi, matitiis ko ang mga latay sa katawan, 'wag lang ang talim ng dila. siguro nga kasalanan ko. itinuro ko sa 'yo ang daan papunta sa itaas. 'di ka na bumaba.

*mula sa ‘generator’ ng foo fighters

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home