twisted|sunday

disentangling my biological wiring short-circuits

Thursday, August 18, 2005

life in mono

monotonous (adj) - tediously repetitious; lacking variety; characterized by a monotone. -the new lexicon webster's dictionary

iyan ang salitang magsusuma sa buhay ko sa mga panahong ito. wala nang mas eexciting pa: gising. kape. noud tv. gawa sa bahay. ligo. pasok sa iskul. kain. yosi. aral. tambay. yosi. yosi pa uli. wapak. bondi. isa pang yosi. lakad. uwi. nuod tv. soundtrip. basa. tulog. daig pa ang sun cellular sa pagka-24/7. pero ewan ko ba, nagsasawa na 'ko. pati nga 'yung paghihintay sa text messages (pati ng mga tao) na 'di naman dumadating e parang kinatatamaran ko na rin, although for a time e naging drug of choice ko sha. nowadays, nothing fascinates me that much anymore. para bang 'been-there-done-that' ang drama ko. what i've been through is like the life and times of someone in his/her mid-thirties compressed into just twenty four years. malungkot. siguro nga tumatanda na 'ko. but i'm not afraid of growing old. other than the wrinkles and the gray hair and osteoporosis, i think it's not that bad. ayoko lang sigurong panawan ng kulay. no to ngarag! hehe. salamat na lang at puro mga pre-school ang nakakasama ko. echos! hindi ako magmamaganda at sasabihing alam ko ang mga sagot o solusyon. dahil sa totoo lang, marami pa 'kong 'di alam, at madalas pa rin akong nalilito. basta, gagawan ko ng paraan. hindi peding magliwaliw ako ng matagal sa putikang ito.

xs.
salamuy sa mono para sa pamagat. kahit na short-lived lang ang karir ng mga ate mo e patuloy na tutugtog ang kantang ito sa aking alaala, habang iniimagine kong umiinom si gwyneth sa fountain, at sinasalo naman ni ethan ang kanyang labi.

(tumutugtog ang 'passenger seat' sa background. kung nauna ko lang shang napakinggan, sa malamang e 'yun ang pamagat nito. buti na lang.)

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

dang! eto na, pasensya sa pakikialam ko. nga pala ipinagsign-up na rin kita sa tagboard paki-comnfirm na lang tapos ilalagay ko na lang bukas para hapiness ang blog mo. mas masaya kasi dito sa blogger e, mas mabilis pa! pasensya talaga.[c:

Sunday, August 21, 2005 12:09:00 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home